Posts

Showing posts with the label Halamang Gamot sa Glucose-6- Phosphate Dehydrogenase

ANO BA ANG G6PD (Glucose-6- Phosphate Dehydrogenase) ?

Image
Ang katawan natin ay parang pabrika kung saan may mga makina tayo para gumawa ng mga produktong kailangan ng cells. Sa Glucose-6-Phosphate Dehydrogenase (G6PD) Deficiency, depektibo ang makinang gumagawa ng G6PD, na isang enzyme na kailangan ng ating red blood cells (RBC). Ang RBC o pulang dugo ay parang delivery truck kung saan namamahagi ito ng oxygen sa iba’t ibang parte ng ating katawan. Gaya ng oxygen tank na pwedeng sumabog kapag ang kondisyon ay hindi angkop, kailangan ng RBC ng proteksiyon para hindi ito mangyari. Ito ang naitutulong ng G6PD sa ating katawan. Kung kulang ang supply ng G6PD, at kapag na-stress ang RBC bunga ng impeksyon, ilang kemikal sa pagkain o gamot, maaari itong pumutok at magdulot ng anemia. Hemolytic anemia ang tawag kapag sumabog at nasira ang RBC natin, kung saan magreresulta ito sa anemia,o mababang pulang dugo. Sintomas: 1. pagputla 2. paninilaw 3. madaling pagkapagod 4. paglaki at pananakit ng tiyan 5. kulay kalawang na ihi ...